Tinanggap ng iba't ibang fisherfolk associations sa munisipyo ng Romblon ang mga bangkang iginawad sa kanila ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources noong July 20.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Romblon, ang mga bangka at ilang gamit ay napanalunan ng mga mangingisda sa programa ng BFAR noong 2018 na tinawag na Masagana at Malinis na Karagatan o MMK.
15 unit na bangka na may sukat na 18ft ang natanggap ng mga fisherfolk association, anchor, timon, propeller, shaft at cross joints.
Nakatanggap rin ang ilan sa kanila ng mga gamit sa pangingisda maging mga freezer.
Ayon kay Mayor Gerard Montojo na dumalo sa turn-over ceremony, ang napanalunan nila ay bunga ng masusing pangangalaga sa karagatan simula pa sa kapanahunan ni Mayor Leo Merida sa tulong ng SIKAT Foundation.
Samantala, may ilang vegetable growers rin sa Barangay Li-o ang nabigyan ng mga garden tools, pataba, at pesticides sa parehong pagtitipon.


































