• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, September 5, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Marcos nilagdaan ang amendments sa batas para palawakin ang tulong sa mga college at vocational students

    Marcos nilagdaan ang amendments sa batas para palawakin ang tulong sa mga college at vocational students

    DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    Coast Guard Romblon, nagbukas ng outpost sa San Andres

    Coast Guard Romblon, nagbukas ng outpost sa San Andres

    5,496 pamilya sa 12 barangay ng Alcantara, tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas

    5,496 pamilya sa 12 barangay ng Alcantara, tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas

    VM Fabiala nagpasalamat kina Sen. Go, Villar sa mga tulong para sa Corcuera

    VM Fabiala nagpasalamat kina Sen. Go, Villar sa mga tulong para sa Corcuera

    Dapawan Stuff SLP Association nagbukas ng general merchandise enterprise

    Dapawan Stuff SLP Association nagbukas ng general merchandise enterprise

    Balinsasayaw Cave sa San Agustin, pansamantalang isasara sa publiko

    Balinsasayaw Cave sa San Agustin, pansamantalang isasara sa publiko

    School safety drill, suportado ng Provincial Peace and Order Council ng Romblon

    School safety drill, suportado ng Provincial Peace and Order Council ng Romblon

    Corcuera MPS, namahagi ng food packs sa mga benepisyaryo ng 4Ps

    Corcuera MPS, namahagi ng food packs sa mga benepisyaryo ng 4Ps

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Lifestyle check, inekis

Rey Marfil by Rey Marfil
October 5, 2020 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 16 mins read
3
0
U_Spy: Lifestyle check, inekis
Share on FacebookShare on Twitter

Marami ang nagulat mga tropapips nang ianunsyo ng “graft buster” na si Ombudsman Samuel Martires na ipinatigil niya ang lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno at hindi rin basta-basta maglalabas ng kopya ng SALN o statement of assets, liabilities and net worth.

Pero bago ‘yan, aba'y nakalulungkot kung tama ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Station na nagsasabing 7.6 milyon na pamilya raw ang nakaranas ng pagkagutom sa ikatlong bahagi ng taon.
Sa kasaysayan daw ng SWS, ito ang pinakamataas na hunger incidence na kanilang naitala.

Sa kanilang datos, 30.7 ng kanilang tinanong sa pamamagitan ng pagtawag ang nagsabing nakaranas sila ng gutom mula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre. Nalampasan nito ang datos noong Marso 2012 na 23.8 percent.
Hindi naman nakapagtataka mga tropapips na mangyari ito kung totoo dahil nga mayroong pandemya at maraming nawalan ng pagkakakitaan. Sana lang eh wala tayong madinig na reaksyon na, “Buti eh 30.7 percent lang.”

Sa halip, dapat pang kumilos ang national at local government para maghatid ng tulong sa mga kababayan natin talagang sadsad at said na ang pagkukunan ng panggastos. Baka kung naipamigay ng DSWD ang “natipid” nilang P10 bilyon na pang-ayuda, baka mas mababa ang bilang ng mga nagutom.

Kaya naman may nagmumungkahi rin na buksan na ang iba pang industriya kahit nandiyan pa ang COVID-19 para makapagtrabaho na uli ang mas marami nating kababayan. Kaya lang, kung mas maraming taong lumalabas at nagsasama-sama ang trabaho at sa biyahe, mas malaki rin ang peligro ng hawahan.

Diyan eh parang tatawid sa alambre ang mga kababayan natin para magdesisyon: ang magutom o magka-COVID?

Samantala mga tropapips, hindi komedyanteng nagpapatawa si Martires nang sabihin niyang ipinatigil niya ang lifestyle check at hinigpitan ang paglalabas ng SALN ng mga public official.

Bukod daw sa malabo ang probisyon sa batas tungkol sa pagpapatupad nito na code of conduct for public officials, o Republic Act No. 6713, hindi rin daw ito mabisang paraan para mahuli ang mga kurap na opisyal.

Maliban pa doon, nagagamit din daw ang lifestyle check at SALN para kotongan ng mga tiwaling media at ilang politiko ang mga opisyal. Pero tanong ng kurimaw natin na walang asset at liabilities dahil walang networth, kung galing naman sa malinis na paraan ang kayamanan ng isang opisyal at kaya niya ipaliwanag, papaano siyang makokotongan?

Hindi rin naniniwala ang kurimaw natin na hindi epektibo ang life style check dahil ilang opisyal at maging kawani na raw ng pamahalaan ang nakuwestiyon dahil sa dami ng ari-arian nila gayung kung susuriin ang kanilang sahod eh mahirap nilang makukuha.

Kung may negosyo ang isang opisyal o kawani, o namana nila ang ari-arian o kaya eh tumama sila sa lotto, eh ‘di wow! ang kanilang magiging paliwanag. Pero kung sa sahod lang sila umaasa at mayroon mamahaling sasakyan ang isang janitor sa Bureau of Customs at panay ang biyahe sa abroad, aba'y sana all ang masasabi natin diyan.

Matatandaan na ginawang inspirasyon ng Pilipinas ang lifestyle check na ginawa noon ng Independent Commission Against Corruption (ICAC) ng Hong Kong dahil nagawa nilang linisin ang mga kurap nilang opisyal dahil sa naturang kampanya.

At ngayong panay pa rin ang hinaing ni President Mayor Digong Duterte na hindi matapos-tapos ang katiwalian kahit sa ilalim ng kaniyang liderato, hindi kaya lalong lumala at magpista ang mga kurap na opisyal dahil sa direktiba ni Martires?

Kung wala nang lifestyle check, wala nang iisipin ang mga kulokoy na opisyal kung papaano nila itatago ang kanilang mga nakukurakot at mga nabibiling bagong sasakyan o mga ari-arian na katas ng katiwalian.

Sakabilang banda, may punto si Martires dahil madalas kinakasangkapan sa pamumulitika at pananakot ang SALN, kahi gaano katino ang isang opisyal kapag meron nagpakulo para sirain ang kanyang imahe, ginagamit ang usaping nagpayaman sa pwesto kahit hindi naman ginawa nito. Ang katotohanan— mahirap bumalanse kapag nasa pwesto.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Popular Stories

  • DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    DepEd Romblon nagbukas ng satellite office sa Isla de Carabao

    21 shares
    Share 8 Tweet 5
  • 5,496 pamilya sa 12 barangay ng Alcantara, tumanggap ng tig-10 kilo ng bigas

    13 shares
    Share 5 Tweet 3
  • Why Everyone’s Suddenly Addicted to Pickleball

    57 shares
    Share 23 Tweet 14
  • Marcos nilagdaan ang amendments sa batas para palawakin ang tulong sa mga college at vocational students

    7 shares
    Share 3 Tweet 2
  • Nine injured after Jeep overturns in Looc

    1654 shares
    Share 662 Tweet 414
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Halos 80 lumahok sa ‘Sikad Laban sa Kriminalidad’ ng Romblon PNP

250 estudyante sa Romblon National High School, lumahok sa Crime Prevention Symposium

Mga kawani ng LGU Cajidiocan, nagkaisa sa Unity Walk para sa Civil Service Month

TRENDING FOR THE MONTH

Dalawa patay sa aksidente sa motorsiklo sa Calatrava

Babaeng rider na susundo sana ng anak sa paaralan, patay matapos masalpok ng rider na umano’y lasing

Lalaki patay matapos saksakin ng sariling kapatid sa loob ng Barangay Hall sa Alcantara

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up