• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, May 1, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    “P. guiting,” bagong species ng maliit na palaka, nadiskubre sa Romblon

    3 OFW mula Romblon na umuwi dahil sa sigalot sa Middle East, tinulungan ng TESDA at OWWA

    TESDA, OWWA nagsagawa ng food processing training para sa pamilya ng OFWs sa Romblon

    Gov. Firmalo-Fabic, binigyang-diin ang pagpapalawak ng kabuhayan at skills training sa Labor Day

    RSU ROTC, nanguna sa MIMAROPA sa unang RAATI inspection

    54-anyos na lalaki, nasawi sa pagkalunod sa ilog sa Cajidiocan

    BJMP Odiongan, binigyang-diin ang kahalagahan ng e-dalaw system para sa PDL at kanilang pamilya

    PHILRECA, nanawagan na ilipat sa national budget ang subsidiya sa kuryente

    Brownout sa Sibuyan, ininda ng mga negosyante; ROMELCO may solusyon na sa sirang makina

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

    U_Spy: Nakakabinging Speaker sa House

    Legal o Ligaw? Pagsilip sa House Arrest Resolution at Duterte Act

    Mukha ng mga politiko sa mga tarp ng proyekto ng Romblon gov’t, pinagbabawal na

    Siguradong marami ang matutuwa, malamang meron ding mga aaray!

    Isang Magandang Simula: Gob. Trina Firmalo-Fabic, tagapagbunsod ng mabuting pamamahala

    Romblon 2025: Panibagong Simula, Panibagong Pananagutan

    Mapagkakatiwalaan ba ang Senado bilang Impeachment Court?

    Huwes-Huwesan: Senador nga ba o Tuta?

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Register
No Result
View All Result

Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Eleksiyon, hindi ‘RevGov’

Rey Marfil by Rey Marfil
August 30, 2020 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 16 mins read
5
0
U_Spy: Eleksiyon, hindi ‘RevGov’
Share on FacebookShare on Twitter

Parang basketball mga tropapips na sinupalpal ni President Mayor Digong Duterte sa mukha ang grupong humihirit ng revolutionary government o RevGov, matapos silang itatwa ng pangulo kahit ipinagmamalaki nilang sila ang nagkumbinsi sa dating alkalde ng Davao City na tumakbong pangulo noong 2016 elections.

Kahit seryosong usapin ang RevGov, kengkoy at nagpapatawa ang tingin ng marami sa grupo na nagpakilalang MRRD-NECC o Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee. Mantakin mong inimbitahan pa nila ang mga matataas na opisyal ng militar at kapulisan para sa plano nilang rebolusyonaryong gobyerno.

Sa tawag pa lang na “revolutionary government,” ibig sabihin eh may pag-aaklas na dapat gawin para palitan ang isang liderato. Ang gusto ng MRRD-NECC, aba’y irerebolusyon ni President Mayor Digong ang kaniyang sariling gobyerno, at pagkatapos eh siya rin ang uupong lider. Aba’y bakit pa niya guguluhin ang sarili niyang gobyerno lalo na ngayon na masakit na ang ulo niya sa problemang idinulot ng made in China na COVID-19 pandemic.

Ang gusto ng MRRD-NECC, talikuran ni President Mayor Digong ang kasalukuyang Saligang Batas na sinumpaan niyang poprotektahan, at bumuo ng bago kung saan pinapayagan na ang pagpapalit sa sistema ng gobyerno na parlamentaryo. Dahil may kasamang pag-amyenda sa Saligang Batas ang kanilang RevGov, nadagdagan pa ng pagdududa sa kanilang pakay—NoEl o no election sa 2022.

Pero sabi sa mga ulat, ang plano raw ng MRRD-NECC, eh dapat matapos ang mga pagbabago sa Konstitusyon pagsapit ng Disyembre 31, 2021 at tuloy daw ang eleksiyon sa 2022 sa ilalim na ng sistemang parlamentaryo. Kaya lang, kung ikaw na nasa kapangyarihan o humahawak ng posisyon, hahayaan mo pa bang magkaroon kaagad ng eleksiyon na puwede kang mapalitan? Aba’y siyempre konting gulang.

Dapat tandaan na ang eleksiyon sa May 2022 eh nakasaad sa 1987 Constitution, kung magtatagumpay ang RevGov na ibasura ang naturang Saligang Batas, ibig sabihin eh puwede na rin balewalain ang naturang halalan at magtatakda sila ng panibagong petsa na maaaring sa 2023 o sa 2024 kaya? o puwede rin nilang sabihin na mag-appoint na muna ng transition panel sa parliamentary government at sa 2025 na lang ang halalan?

Ang problema nito, batid naman natin ang edad ni President Mayor Digong at ilang beses na rin niyang sinasabi na gusto niyang ma-enjoy na lang ang buhay niya; huwag naman sana pero papaano kung magkaroon siya ng malubhang sakit? Sino ang magiging lider kung magkatotoo ang RevGov, at alisin nila sa “pila” ang bise presidente sa mga dapat humalili sa puwesto kung hindi na kayang gampanan ng pangulo ang kaniyang tungkulin?

Baka may magsabi na bakit si dating Pangulong Cory Aquino eh nagdeklara ng RevGov noong maupo siya sa puwesto noong 1986? Aba’y iba ang sitwasyon noon mga tropapips dahil bagaman sinasabing si Cory ang tunay na nananalo sa ginanap na snap elections, nagmatigas pa rin ang nakaupong si dating Pangulong Ferdinand Marcos at iginiit na siya ang nanalo kaya nagkaroon ng EDSA People Power revolution na nagpatalsik kay Marcos sa puwesto.

At nang magdeklara si Cory ng RevGov, mistulang pinalitan niya ang nakaupong rehimeng Marcos, at binago ang 1973 Constitution, na noong panahon ni Marcos eh maraming pinalitang probisyon para mapayagan na paulit-ulit siyang makatakbong pangulo kaya tumagal siya sa Palasyo ng 20 taon.

Pero mga tropapips, hindi si Cory ang nagdikta ng mga probisyon sa 1973 na pinalitan kung hindi ang mga deligadong umupo sa ConCon o Constitutional Convention, at pina-aprubahan ito sa mga tao sa pamamagitan ng ratipikasyon sa halalan. Kaya hindi dapat ihalintulad sa sitwasyon ni Cory ang inaambisyong RevGov ngayon.

At ngayong nagsalita na si President Mayor Digong na hindi niya alam at kilala ang mga nasa likod ng MRRD-NECC, kahit nabalita minsan na dumalo siya sa isang pagtitipon noon ng grupo, aba’y itigil na ang mga hirit na RevGov. Bukod sa wala sa timing dahil may problema ng pandemya, mas gusto ng mga tao ang halalan para makaganti sila sa mga palpak na opisyal.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Popular Stories

  • 54-anyos na lalaki, nasawi sa pagkalunod sa ilog sa Cajidiocan

    54-anyos na lalaki, nasawi sa pagkalunod sa ilog sa Cajidiocan

    360 shares
    Share 144 Tweet 90
  • RSU ROTC, nanguna sa MIMAROPA sa unang RAATI inspection

    63 shares
    Share 25 Tweet 16
  • PhilHealth maternity benefits, pinalawak ni PBBM

    455 shares
    Share 182 Tweet 114
  • 50-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Odiongan

    589 shares
    Share 236 Tweet 147
  • 3 OFW mula Romblon na umuwi dahil sa sigalot sa Middle East, tinulungan ng TESDA at OWWA

    14 shares
    Share 6 Tweet 4
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Bahay sa Corcuera, nasunog; sanhi ng sunog iniimbestigahan pa

Minor patay matapos malunod sa dagat sa Odiongan

Pagreallocate ng ₱62.07M mitigation fund ng Romblon, aprubado ng Sangguniang Panlalawigan

TRENDING FOR THE MONTH

Tricycle driver, patay matapos mahulog sa ilog sa Odiongan

Minor patay matapos malunod sa dagat sa Odiongan

SB member at kasama, arestado sa Santa Fe matapos mahulihan ng baril at bala

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up