Dalawang nagtapos sa Romblon State University (RSU) Main Campus ang nakakuha ng matataas na marka sa September 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).
Batay sa datos na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), nakamit ni Lealyn Ferriol Faderogao, nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Science, ang ika-10 puwesto sa secondary level matapos makakuha ng 93.40 percent marka.
Samantala, nakakuha naman ng 94.40 percent si Vanessa Romero Baldo, na nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino, at nakakuha ng ika-5 puwesto sa secondary level.
Pinuri ng RSU ang dalawang graduate at sinabing patunay ang kanilang tagumpay ng kanilang dedikasyon, tiyaga at pagsusumikap na makamit ang kahusayan sa akademya.
“It likewise underscores the University's continuing pursuit of quality teacher education and its mission to develop competent, globally competitive, and service-oriented professionals,” ayon sa pamantasan.
Sa kabuuan, 29,602 sa 45,258 examinees sa elementary level ang nakapasa, katumbas ng 65.41 percent passing rate. Sa secondary level naman, 66,063 sa 86,953 examinees ang pumasa o 75.98 percent.
Isinagawa ang pagsusulit noong September 20, 2026 sa iba't ibang testing centers sa bansa, kabilang ang Romblon.


























