Lumahok ang halos 80 katao mula sa iba’t ibang law enforcement agencies, government offices at civic groups sa isinagawang cycling activity na “Sikad Laban sa Kriminalidad” sa bayan ng Romblon noong September 1, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa 32nd National Crime Prevention Week (NCPW).
Pinangunahan ng Romblon Police Provincial Office (RPPO) sa pangunguna ni PLTCOL Ledilyn Ambonan, Chief ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Rexton Sawi, Provincial Director, ang aktibidad na isinagawa alas-4 ng hapon sa loob ng bayan ng Romblon.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, law enforcement at mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pag-iwas sa krimen.
Nagsilbi rin itong pagkakataon upang mapalakas ang ugnayan at camaraderie ng mga katuwang na ahensya at hikayatin ang publiko na aktibong makibahagi sa mga hakbang para sa mas ligtas at mapayapang komunidad.
Binigyang-diin ni PCOL Sawi na nakatutulong ang mga community-oriented activity gaya ng cycling event upang mapalapit ang kapulisan sa publiko at mahikayat ang bawat isa na magkaroon ng sariling ambag sa crime prevention.



































Discussion about this post