Personal na binisita at ininspeksyon ni Schools Division Superintendent Roger Capa ng Department of Education (DepEd) Romblon ang mga bagong katatapos na pasilidad sa Agnipa Elementary School.
Kabilang sa mga pasilidad na kanyang sinuri ang bagong two-storey school building, grandstand, conference hall, visitor’s quarters, clinic, library, computer room, science laboratory at mga comfort room.
Kapansin-pansin din ang modernong conference hall ng paaralan na nilagyan ng walong split-type air-conditioning units at tatlong industrial fans para sa mas maayos na paggamit ng pasilidad.
Upang matugunan ang pangangailangan sa kuryente ng conference hall at iba pang mga silid, nilagyan din ang mga pasilidad ng solar panels.
Ayon sa DepEd Romblon, layunin ng mga bagong pasilidad na mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral, gayundin ang paghahatid ng mas maayos na serbisyo sa komunidad.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DepEd Romblon na mapalawak at mapaganda ang mga pasilidad sa mga paaralan upang magkaroon ang mga mag-aaral at guro ng mas maayos na learning environment.



































Discussion about this post