• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Monday, November 30, 2026
27 °c
Romblon
28 ° Mon
28 ° Tue
28 ° Wed
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Apat sugatan sa 2 aksidente sa Romblon

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Coin purse ng pickleball player, ninakaw

    LGU Romblon, Rank 2 sa Nominal Value Increase matapos malampasan ang annual target

    LGU Romblon, Rank 2 sa Nominal Value Increase matapos malampasan ang annual target

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Dalawang suspek sa ilegal na droga, arestado sa operasyon sa Romblon

    DA-SAAD, namahagi ng 2,900 broiler chicks sa apat na samahan sa Romblon

    DA-SAAD, namahagi ng 2,900 broiler chicks sa apat na samahan sa Romblon

    Bagong gusali, pinasinayaan sa Tabobo-an Elementary School

    Bagong gusali, pinasinayaan sa Tabobo-an Elementary School

    RTWPB-MIMAROPA, nagsagawa ng public hearing sa Odiongan para suriin ang minimum wage sa rehiyon

    RTWPB-MIMAROPA, nagsagawa ng public hearing sa Odiongan para suriin ang minimum wage sa rehiyon

    Mga babaeng PWD, pinalakas ang kaalaman at kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa karahasan

    Mga babaeng PWD, pinalakas ang kaalaman at kakayahang ipagtanggol ang sarili laban sa karahasan

    Pinaghihinalaang shabu, nakumpiska sa bagong pasok na PDL sa Romblon District Jail

    Pinaghihinalaang shabu, nakumpiska sa bagong pasok na PDL sa Romblon District Jail

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
27 °c
Romblon
28 ° Mon
28 ° Tue
28 ° Wed
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News National News

NAPC tutol sa pagsuspinde ng ₱85 wage hike sa NCR

Romblon NewsbyRomblon News
August 1, 2026
in National News
Reading Time: 9 mins read
91
0
NAPC tutol sa pagsuspinde ng ₱85 wage hike sa NCR
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpahayag ng pagkadismaya ang National Anti-Poverty Commission–Formal Labor and Migrant Workers Sectoral Council (NAPC-FLMWSC) sa pansamantalang pagsuspinde ng pagpapatupad ng Wage Order No. NCR-27, na nagkakaloob ng kabuuang ₱85 na dagdag sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng wage order na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–NCR (RTWPB-NCR), nakatakdang ipatupad ang unang tranche na ₱60 noong Hulyo 25, 2026, habang ang natitirang ₱25 ay nakatakdang ipatupad sa Enero 20, 2027.

Bagama't iginiit ng konseho na iginagalang nito ang kapangyarihan ng hudikatura at susunod sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Pasig Regional Trial Court, sinabi nitong may mga mahahalagang usaping legal na dapat isaalang-alang kaugnay ng naging suspensyon.

Ayon sa NAPC-FLMWSC, malinaw na nakasaad sa Republic Act No. 6727 o Wage Rationalization Act na ang sinumang tutol sa isang wage order ay dapat munang dumaan sa administrative appeal sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa loob ng 10 araw mula sa paglalathala nito.

Binigyang-diin din ng konseho ang probisyon ng Article 126 ng Labor Code, na nagsasabing walang korte o tribunal ang maaaring maglabas ng injunction o temporary restraining order laban sa mga proceedings ng NWPC o ng Regional Wage Boards.

Ayon kay NAPC-FLMWSC Sectoral Representative Danilo A. Laserna, hindi dapat maapektuhan ang mga manggagawa ng isang legal na hamon na maaari namang idaan sa mekanismong itinakda ng batas.

“With due respect to the Pasig RTC, we also have to respect the law that created our tripartite wage-setting system. Workers waited for the wage increase after the completion of the prescribed process. They should not be made to bear the consequences of a legal challenge that could have been pursued through the administrative mechanism expressly provided under R.A. 6727,” ani Laserna.

Nagpahayag din ng pangamba ang konseho sa epekto ng suspensyon sa mga minimum wage earners at kanilang mga pamilya, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, pabahay, edukasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Iginiit ng NAPC-FLMWSC na dapat munang pairalin ang mekanismong itinakda ng batas sa pag-apela sa mga wage order bago ito dalhin sa korte, upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.

Related Posts

Mga samahan ng magsasaka sa Romblon, lumagda sa MOA para sa RCEF Mechanization Program

Mga samahan ng magsasaka sa Romblon, lumagda sa MOA para sa RCEF Mechanization Program

November 19, 2026
DOE, hinimok ang publiko na ireport ang gasolinahang hindi sumusunod sa oil price rollback

Presyo ng diesel at gasolina, muling bababa sa Martes, Nov. 17

November 16, 2026

Popular Stories

  • 81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Coin purse ng pickleball player, ninakaw

    167 shares
    Share 67 Tweet 42
  • DA-SAAD, namahagi ng 2,900 broiler chicks sa apat na samahan sa Romblon

    63 shares
    Share 25 Tweet 16
  • Dalawang suspek sa ilegal na droga, arestado sa operasyon sa Romblon

    402 shares
    Share 161 Tweet 101
  • 72-anyos na sekyu, arestado dahil sa baril at granada sa San Andres

    340 shares
    Share 136 Tweet 85
  • FAAS Lofts Hotel sa San Agustin, nangungunang hotel sa Romblon

    74 shares
    Share 30 Tweet 19
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Isiah Hospital and Medical Center, kinilala ng SSS bilang Exemplary Employer

Romblon PPO, lumahok sa Cane+D protocol seminar

LGU Romblon, naglunsad ng kampanya kontra karahasan sa kababaihan

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

Shoplifters na mga estudyante, nahuli ng security sa Hataw Shopping Center

Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up