Kinilala ang Lokal na Pamahalaan ng Romblon matapos makamit ang Rank 2 sa Nominal Value Increase dahil sa matagumpay na paglampas nito sa itinakdang annual target para sa ikaapat na kwarter ng 2024 hanggang ikaapat na kwarter ng 2025.
Iginawad ang pagkilala noong Nobyembre 26, 2026, sa FAAS Lofts Hotel, Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon bilang pagkilala sa mahusay na pagganap ng Municipal Assessor’s Office sa pagpapatupad ng mga gawaing may kaugnayan sa pagtatasa ng mga ari-ariang hindi natitinag o real properties sa bayan.
Pinangunahan ni dating Municipal Assessor Engr. Theodore M. Rojas ang tanggapan na nagsikap na maabot at malampasan ang itinakdang target, na naging mahalagang salik sa pagkamit ng naturang pagkilala.
Ang Nominal Value Increase ay may kaugnayan sa pagtaas ng kabuuang halaga ng mga ari-ariang naitala at nasuri ng tanggapan. Mahalaga ang maayos na real property assessment upang magkaroon ng napapanahon at angkop na batayan sa pagtatakda ng buwis sa mga ari-arian at mapalakas ang pangangasiwa ng lokal na pamahalaan sa mga ito.
Ipinapakita ng pagkilalang ito ang mahalagang ambag at dedikasyon ng Municipal Assessor’s Office sa pagpapahusay ng sistema ng pagtatasa ng mga ari-arian, gayundin ang pagsusulong ng mas mahusay na pamamahala sa mga lokal na yaman ng bayan.


























