Sumuko na sa pulisya ang suspek na sangkot sa naganap na armed encounter sa Barangay Taboboan, Odiongan noong isang araw matapos ang isinagawang hot pursuit at negosasyon ng mga awtoridad.
Boluntaryo itong sumuko bandang alas-10 kagabi sa Sitio Hacienda, Barangay Progreso Weste.
Pinangunahan nina PLtCol. Ervin Plando ng Romblon Provincial Mobile Force Company at Major Chisi Faderagao ng Odiongan Municipal Police Stataion ang joint operation at negosasyon na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng suspek.
Narekober mula sa kanya ang isang 12-gauge shotgun at walong piraso ng 12-gauge cartridges.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Romblon Provincial Mobile Force Company ang suspek at inaasahang ituturn-over sa Odiongan Municipal Police Station.


































