Isang SUV ang sumalpok sa roll-up door ng isang beauty salon sa Barangay Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon nitong gabi ng Huwebes, Pebrero 19.
Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station, habang ang SUV ay minamanoeuvre papalabas ng parking area ng Barrel Top Resto Bar, naapakan umano ng driver na isang retired police officer ang accelerator ng kanyang sasakyan dahil sa ng kalasingan.
Dahil dito, nabangga ang motorsiklo na nakaparada sa harap ng Bar at dumiretso sa roll-up door at salamin ng beauty salon.
Ang lawak ng pinsala sa motorsiklo at sa salon ay hindi pa matukoy.
Ayon sa mga awtoridad, walang sugat na natamo ang driver ng SUV, at ang mga sakngkot na sasakyan ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

































Discussion about this post