Niyanig ng mahinang lindol ang Sibuyan Island pasado alas-11 ng gabi, ayon sa PHIVOLCS.
Batay sa datos ng ahensya, magnitude 2.0 ang lakas ng lindol na naitala sa dagat malapit sa Magdiwang. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig, na karaniwang dulot ng paggalaw ng mga fault sa ilalim ng lupa.
Dahil sa mahinang lakas nito, sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala sa mga istruktura at wala ring inaasahang aftershocks mula sa nasabing lindol.

































Discussion about this post