Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Romblon bandang alas-12:23 ng hatinggabi nitong Pebrero 19, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naitala ang sentro ng lindol sa layong 20 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Magdiwang sa Sibuyan Island, Romblon.
Kabilang sa mga lugar na iniulat na may pagyanig ang mga bayan ng Odiongan, San Agustin, at ang kabisera na Romblon, Romblon.
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks kaugnay ng naturang lindol.

































Discussion about this post