Muling niyanig ng mahinang lindol ang bayan ng Concepcion sa Sibale Island bandang 7:19 ng gabi, batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa ahensya, naitala ang sentro ng lindol sa layong 8 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Concepcion. May lakas itong magnitude 1.6 at may lalim na 32 kilometro.
Ito na ang ikalawang pagyanig na naitala sa isla ngayong araw matapos unang makaramdam ng lindol pasado alas-2:55 ng madaling araw.
Wala namang naitalang pinsala o anumang damage dulot ng dalawang lindol, ayon sa mga paunang ulat.

































Discussion about this post