Arestado ang isang 36-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation kontra sa ilegal na droga pasado alas-diyes ng gabi noong February 13 sa Sitio Sampaloc, Barangay Gabawan.
Sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang operasyon ay ikinasa ng mga operatiba ng gobyerno kontra sa suspek na si alyas “Jun,” residente ng nasabing lugar.
Isang tauhan ng pulisya ang nagpanggap na poseur buyer at nakabili umano sa suspek ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ang halagang ₱500. Matapos ang transaksyon ay agad na inaresto ang suspek.
Maliban sa nabili umano, nakuha pa sa kanya ang isa pang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang ilegal na droga, maging ang ₱500 umanong marked money na ginamit sa operasyon.
Dinala ang suspek sa kustodiya ng Odiongan MPS para sa kaukulang disposisyon at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na nakatakdang isampa sa Provincial Prosecutor’s Office sa Odiongan.

































Discussion about this post