Kabilang ang lalawigan ng Romblon sa mga tatanggap ng tulong-pinansyal mula sa P34 milyong calamity assistance na ipamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Makati sa mga probinsya at bayan na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at lindol sa bansa.
Ayon kay Makati City Mayor Nancy Binay, layunin ng programa na tumulong at magbigay pag-asa sa mga komunidad na nasalanta ng mga kalamidad habang nagsusumikap ang mga ito na muling makabangon.
Batay sa City Council Resolutions 2025-A-017 at 2025-A-018, na inaprubahan noong Oktubre 13, awtorisado ang lungsod na maglaan ng pondo para sa mga lokal na pamahalaang idineklarang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa 6.9-magnitude na lindol sa Cebu at sa pananalasa ng mga Bagyong Mirasol, Nando, at Opong, gayundin ng habagat.
Mula sa kabuuang halaga, ₱20.5 milyon ang ilalaan sa 38 lokal na pamahalaan sa Mindoro, Masbate, Aklan, Maguindanao del Sur, Cagayan, at Romblon, depende sa lawak ng pinsalang idinulot ng kalamidad.




































Discussion about this post