Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng tropa ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army at mga teroristang NPA sa Barangay Lantuyang 2, Baco, Oriental Mindoro nitong Martes, August 12.
Ayon sa ulat ng 203rd Infantry Brigade, nagsasagawa ang mga sundalo ng pursuit operations kasunod ng engkuwentro noong Agosto 9 sa parehong lugar, kung saan nakarekober ang tropa ng ilang kagamitang pandigma na iniwan ng mga nagtatakas na rebelde.
Tatlong sundalo ang nasawi habang tatlo pa ang sugatan at kasalukuyang ginagamot. Patuloy pang bineberipika ang bilang ng mga kaswalti sa panig ng NPA.
Nagsasagawa pa rin ng pursuit at clearing operations ang militar upang mahanap ang natitirang mga terorista at matiyak ang kaligtasan ng komunidad.



































