Natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Romblon District Engineering Office (DEO) ang konstruksiyon ng ilang school buildings sa mga bayan ng Looc at Romblon, Romblon.
Sa ulat ni Romblon District Engineer Elena M. Castilan kay DPWH MIMAROPA Regional Director Gerald A. Pacanan, CESO III, kabilang sa mga natapos na proyekto ang isang one-storey, two-classroom building sa Limon Norte National High School sa Looc; isang classroom building sa Lonos Elementary School sa Romblon; at dalawang gusali sa Agnipa High School sa bayan ng Romblon — isang two-storey, six-classroom building at isang one-storey, three-classroom building.
Ayon sa DPWH, ang mga proyekto ay inilaan para matugunan ang pagdami ng mga mag-aaral at ang pangangailangan sa karagdagang pasilidad para sa edukasyon.



































