Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa noong Mayo 1, 2025, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong benepisyong handog ng Social Security System (SSS) para sa mga masisipag na Pilipino—lokal man o overseas.
Ibinaba ang interest rates ng salary loan mula 10% sa 8%, at calamity loan mula 10% sa 7% para sa mga miyembrong may magandang credit record. Inaasahang magsisimula ito sa Hulyo 2025.
Pinalawak din ang Pension Loan Program para masaklaw na ang mga surviving spouse pensioners, na ngayon ay maaaring mangutang ng hanggang P150,000 simula Setyembre 2025.
Bukod dito, pinag-aaralan na rin ng SSS ang pagpapatupad ng micro-credit loan facility para sa mga miyembrong nangangailangan ng pautang na may maikling hulugan, mula 15 hanggang 90 araw.
Ayon kay SSS President and CEO Robert De Claro, ang mga programang ito ay bahagi ng pangako ng ahensya na pagandahin pa ang serbisyo para sa lahat ng manggagawang Pilipino.