Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Sub-Station Cajidiocan ang 11 sakay ng isang motorbanca na lumubog sa karagatan malapit sa Barangay España nitong Huwebes, Mayo 8.
Ayon sa ulat ng Coast Guard, kasalukuyan silang nagsasagawa ng security assistance para sa isang isinasagawang motorboat race nang mapansin nila ang isang bangkang lumubog malapit sa baybayin.
Kabilang sa mga sakay ng nasabing bangka ay mga bata at matatanda.
Agad nagsagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan ng Coast Guard upang maisalba ang mga sakay ng lumubog na bangka.
Batay sa imbestigasyon, ang bangka ay nanood ng ginaganap na bancarera at pauwi na sana sa Sitio Olango nang mangyari ang aksidente.
Ligtas na nakauwi ang lahat ng sakay ng bangka matapos ang insidente.
Discussion about this post