Sa paggunita ng Mahal na Araw, nanawagan si Senador Lito Lapid sa mga Pilipino na magnilay, manalangin, at humingi ng tawad sa mga nagawang pagkukulang sa Diyos.
“Nakikiisa po tayo sa ating mga kababayan sa pagninilay at panalangin ngayong Semana Santa at paghingi ng tawad sa mga pagkukulang natin sa Diyos,” ani Lapid sa kanyang pahayag.
Hinimok din ng senador ang publiko na alalahanin ang mga sakripisyong tiniis ni Hesukristo upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.
“Alalahanin natin ang mga sakripisyo ng Panginoong Hesukristo para maisalba tayo sa ating mga pagkakasala,” dagdag niya.
Sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Kristo, sinabi ni Lapid na nawa’y isabuhay ng bawat isa ang mga banal na aral at pagmamahal ng Panginoon.
“Sa muling pagkabuhay ni Kristo, isabuhay natin ang Kanyang mga banal na salita at pagmamahal sa ating lahat,” ani Lapid.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, sinabi ng senador na: “Ako po si Sen. Lito Lapid, ang Supremo ng Senado! Mabuhay kayo at manalangin!”