Isang Chinese national ang nasawi habang siyam pang tripulante ang patuloy na pinaghahanap matapos tumaob ang barkong HongHai 16 malapit sa baybayin ng Rizal, Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasawing banyaga ay isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Batay sa paunang imbestigasyon, ang barko ay naghahanda sana para maglayag dakong 4:30 ng hapon na may kargang buhangin, nang bigla itong tumagilid at tuluyang tumaob.
May kabuuang 23 tripulante — mga Pilipino at Chinese — ang sakay ng barko.
Sa ngayon, 13 na ang narescue: anim na Pilipino at pitong Chinese. Patuloy naman ang search and rescue operations para sa siyam na nawawala.
Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Discussion about this post