Naaresto ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police ang isang 23-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape sa lalawigan ng Romblon.
Kinilala ang suspek na si alyas Joseph, isang residente ng Barangay Carmen, San Agustin, Romblon.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, naaresto ang suspek sa Tanauan City, Batangas matapos ang operasyon ng mga awtoridad.
Itinuturing siyang isa sa Top 10 Most Wanted Persons sa lalawigan dahil sa bigat ng kanyang kaso.
Sa kasalukuyan, nakakulong na ang suspek at nakatakdang ibalik sa Romblon upang humarap sa korte para sa kaukulang legal na proseso.