Isang tindahan ng mga grocery sa Barangay Doña Juana sa San Agustin, Romblon ang nasunog noong hatinggabi ng January 29.
Sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang tindahan ay pagmamay-ari ni Paterno Magracia Miralles, 69.
Bago magkasunog, nakarinig umano ang mga tao sa lugar ng pagsabog na sinundan ng usok mula sa tindahan.
Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa lugar at naapula ang apoy bandang 1:40 na ng madaling araw.
Walang naiulat na nasugatan at nasawi sa sunog.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga bombero ang dahilan ng sunog at kung magkano ang kabuoang pinsala sa insidente.
Discussion about this post