Isang 9-anyos na batang babae ang nasawi matapos malunod noong Sabado ng hapon sa Gargantos Beach sa Capaclan, Romblon, Romblon.
Ayon sa ulat ng pulisya, naligo ang bata kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan bilang bahagi ng kanilang weekend relaxation. Gayunpaman, nauwi ito sa trahedya nang tinangay ng malakas na agos ng dagat ang bata.
Sinubukan ng kanyang mga kasamahan na sagipin siya, ngunit bigo dahil sa lakas ng alon. Kalaunan, natagpuan siya ng isang concerned citizen na nag-dive sa ilalim ng tubig upang hanapin ang bata. Agad siyang isinugod sa Romblon District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.