Naaresto ang isang lalaki, na kinilalang si alyas Reymart, matapos isagawa ang police operation noong Sabado ng umaga sa Barangay Poblacion II, Romblon.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, dakong alas-6:55 ng umaga nang madakip ang suspek sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng Mabini Police at Romblon Police.
Si alyas Reymart ay nahaharap sa dalawang kaso ng panggagahasa at inaresto base sa isang warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Maricel Magpantay-Ng ng 4th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 1, Batangas City.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa paglilitis para sa mabibigat na paratang laban sa kanya.