Sa kulungan ang diretso ng isang lalaking working-student matapos itong masangkot sa isang buy-bust operation ng kapulisan sa Barangay Bagacay, Romblon, Romblon nitong gabi ng November 11.
Ayon sa police report mula sa Romblon Police Provincial Office, nabilhan di umano nila ang 20-taong gulang na estudyante ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.
Nang magkapalitan na, dito na umano inaresto ng mga kapulisan ang suspek.
Itinanggi naman ng pamilya ng suspek ang ulat ng pulisya. Sa viral video sa social media, makikita ang pamilya ng suspek na ilang beses itinangging nagbebenta ng iligal na droga ang suspek.
Dinala na ang suspek kasama ang nabiling isang sachet ng shabu sa Romblon Forensic Unit para sa kaukulang drug test.
Posibleng maharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.