Sugatan ang isang Romblomanon matapos magsalpukan ang sinasakyan niyang barko at isang barge malapit sa Verde Island sa Batangas madaling araw kanina.
Ayon sa report ng Philippine Coast Guard, ang barkong MV Fastcat M19 na may sakay na 47 crew at 41 na pasahero ay patungo sana ng Calapan Port nang makasalpukan ang barge na Barge Krizza Rica, na noon ay hinihila ng isang tug boat.
Nagtamo si Jefferson Visca, 26, nang sugat sa mukha dahil sa aksidente. Dinala siya agad sa Ma. Estrella Hospital sa Calapan City pagdating ng pantalan ng Calapan ng mga barkong sangkot.
Nagpapatuloy ang ginagawang pag-iimbestiga ng Philippine Coast Guard at Maritime Safety Services Unit-Southern Tagalog sa aksidente.