Nagsagawa ng RACE o Run after Contribution Evaders ang Social Security System sa ilang delinquent, non-registered, at non- compliant employers sa bayan ng San Agustin, Romblon ngayong araw, March 4.
Ito ay para paalalahanan sila sa kanilang obligasyon para sa kanilang mga empleyado.
Pinangunahan ni SSS Odiongan Chief Maria Ammie Candelaria ang isinagawang RACE kung saan binigyan nila ng show cause orders ang mga negosyanteng may-ari.
Kung hindi makapagbayad ang mga ito, sinabi ng SSS na nagpapatunay umano nito na kanilang pinapabayaan ang social security benefits ng kanilang mga empleyado.
Inaasahang sa loob ng 15 na araw ay tutugunan ng mga employers na ito ang kautusan ng SSS sa pamamagitan ng cash, condonation program o installment payment scheme.