Walong mangingisda ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group ang walong taong iligal di umanong nangingisda sa bahagi ng Dos Hermanas Island, Banton kahapon.
Ang walo ay pawang mga residente ng Gasan, Marinduque.
Ayon sa report ng Coast Guard, nagsagawa sila ng patrolya sa lugar kasunod nang natanggap nilang sumbong na may iligal na nangingisda sa bahagi ng isla.
Nakuha sa mga mangingisda na sakay ng tatlong bangka ang ilang lambat, flash lights, at ilan pang gamit pangisda.
Sa pag-imbestiga ng Coast Guard, napag-alamang hindi rehistrado sa munisipyo ng Banton ang walong mangingisda.
Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa municipal ordinance ng bayan ng Banton na nagbabawal ang pangingisda sa kanilang lugar ng mga “Unregistered Fisher Folks”.