Nagpapatupad na ang Odiongan ng total ban sa pagpasok ng mga pork product mula sa mga bayan ng Cajidiocan, San Fernando, at San Jose na pinaghihinalaang apektado na ng African Swine Fever.
Sa isang executive order na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Odiongan, inatasan nila ang Municipal Agriculture Office, kapulisan, mga barangay, at Philippine Coast Guard na magsagawa ng surveillance and monitoring bilang pagbabantay.
Ang nasabing executive order ay bunsod umano sa ibinabang abiso ng Office of the Provincial Veterinarian tungkol sa reported suspected cases ng swine flu sa mga naturang bayan.