Balik-eskwela na ang aabot sa 73,353 na mga estudyante ng public schools sa buong lalawigan ng Romblon nitong Martes, August 29.
Sinabi ng Department of Education – Romblon na ang bilang na ito ay 86.49% pa lamang ng 86,754 nang mga estudyanteng nag enroll noong nakaraang taon sa lalawigan.
Sa bilang na ito, 32,749 ang pumasok sa elementarya, habang 23,850 sa junior high school at 11,480 naman sa senior high school.
Bagama’t mababa ang bilang na ito, sinabi na ni DepEd Romblon Schools Division Superintendent Roger Capa na madadgadgan pa ang bilang na ito habang umuusad ang mga araw.