Dumating na ngayong Linggo sa bayan ng Romblon Romblon ang mga atleta, coach at mga opisyal ng Department of Education (DepEd) mula sa mga probinsya ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Calapan City, at Palawan na sasabak sa 2023 Mimaropa Regional Athletic Association Meet.
Sinalubong sila ng mga opisyal ng DepEd Romblon at ng lokal na pamahalaan ng Romblon, Romblon sa pangunguna ni Mayor Gerard Montojo.
Ang 2023 Mimaropa Regional Athletic Association Meet ay magsisimula sa darating na Martes, May 23, at magtatapos naman sa Biyernes, May 26.


































