Operational na ang Rural Health Unit laboratory ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island, Romblon.
Meron ritong clinical chemistry test, clinical microscopy tests, hematology tests kagaya ng blood typing at CBC platelet counting, meron ring Serology tests kagaya ng HIV at Dengue testing.
Pinangunahan ni Mayor Greggy Ramos ang ribbon cutting sa nasabing laboratory.
Sinabi ng alkalde na ang pagbubukas ng testing laboratory sa Rural Health Unit ay malaking tulong para hindi na gumastos ng malaki ang publiko para magpa-test sa mga pribadong testing centers.