Malapit nang matapos ang ipinapagawang evacuation center at magiging sub-office ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Personal itong binisita ni Governor Jose Riano kamakailan kasama si si SP Jun Bernardo at Cajidocan Mayor Greggy Ramos.
Nabanggit ng gobernador sa kanyang pagbisita ang planong paglalagay ng mga provincial at national offices sa sub-office upang mas mailapit sa mga Sibuyanon ang serbisyo ng Provincial at National government kabilang na rito ang paglalagay ng opisina ng Land Transportation Office.
Ipinangako ng gobernador sa alkalde ng bayan na maglalaan pa siya ng karagdagang pondo para mas mabilis na mapatapos ang nasabing gusali.
Binisita rin ng gobernador ang Sibuyan District Hospital upang tignan ang development ng construction ng gusali nito.