Dadalhin na ng Philippine Statistics Authority sa mga paaralan ang kanilang Philippine Identification System mobile registration para mas maraming mga estudyante at mga bata ang makakapag rehistro sa National ID.
Sa isang anunsyo, sinabi ng PSA Romblon na mula March 8 ay meron nang gaganaping mobile registration sa Looc National High School hanggang March 10.
March 10 naman magsisimula sa Romblon State University – Romblon Campus sa Barangay Sawang at sa Buenavista National High School sa bayan ng Looc, Romblon.
March 13 naman magsisimula sa Romblon National High School sa Barangay Bagacay.
Sinabi ng PSA na maari ring mag pa-verify rito ang publiko kung available na ang EPhilIDs nila para sa may magamit na sa kanilang transaksyon. Kailangan lamangn ilang magdala ng kanilang transaction reference number para mahingi ito.


































