Ngayong buwan ay magsisimula na ang pagpapagawa ng Marker sa Cajidiocan View Deck sa bayan ng Cajidiocan, Romblon, ayon kay Mayor Greggy Ramos.
Ang nasabing proyekto na ito ay kahalintulad ng Marker na pinagawa sa bayan ng San Agustin na hango sa Hollywood marker sa Amerika.
Ang pagpapagawa ng View Deck ay susunod rin ngayong taon.
Ayon sa alkalde, isa ito sa mga remarkable projects sa kanyang administration dahil magiging status symbol ito ng bayan at magiging isa sa mga tourist attraction sa Cajidiocan.
Si Ramos ay nasa unang taon palang ng kanyang unang termino na paninilbihan bilang alkalde ng bayan at isa sa kanyang sentro ng pamamalakad ang pagpapalakas ng turismo sa bayan.