Huli sa akto ang isang lalaking suspek sa tangka sana nitong pagnanakaw sa isang tindahan sa Barangay Macalas, Romblon, Romblon. Nangyari ang krimen noong Huwebes, February 16.
Ang suspek ay kinilalang si Kenneth Teoxon, 24, at ang biktima naman ay si Ibarra Malupa, 49.
Batay sa imbestigasyon ng Romblon Municipal Police Station, inakyat umano ng suspek ang rooftop ng bahay ni Teoxon at dito dumaan patungo sa ground floor kung saan matatagpuan ang tindahan.
Ayon sa pa ulat ng Romblon PNP, nagising ang biktima dahil sa ingay at pagtingin niya sa tindahan ay dito niya na nahuli sa akto ang suspek. Para hindi sana makilala, pinalo ng suspek ang biktima ng matigas na bagay sa ulo at agad na tumakas ngunit bigo ito dahil nakilala parin siya ng suspek.
Ang biktima ay agad isinugod sa Romblon Distict Hospital matapos itong magtamo ng sugat sa noo.
Sa panayam ng Romblon News Network sa biktima, matagal na umano silang nawawalan ng pera sa tindahan ngunit ngayon ay naaktuhan na mismo nila ang pagnanakaw.
Nahuli kinabukasan ag suspek sa kanyang tinitirhang boarding house malapit lang rin sa tindahan ng biktima.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong Attempted Robbery at Frustrated Homicide.