Nakatanggap ng regalong lucky charm bracelet at malaking agila na inukit gawa sa marmol si dating Pangulo Rodrigo Duterte mula sa mga opisyal nang probinsya ng Romblon noong February 16.
Makikita sa mga larawan ni Senator Bong Go ang mga opisyal nang Romblon na pinangungunahan nina Governor Jose Riano at Congressman Eleandro Madrona kasama ang mga alkalde ng probinsya.
Bukod sa regalo, tumanggap rin ang dating presidente ng isang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na nagbibigay sa kanya ng parangal.
Kinikilala sa resolusyon ang mga naimbag ng dating presidente para sa lalawigan kagaya ng pagkakaroon ng Malasakit Centers, at pagpapatayo ng ospital, kalsada, tulay, at marami pang iba.