Naagnas na ang katawan nang makita ng mga opisyal ng Barangay Catagda ang lalaking suspek sa karumaldumal na pagpaslang sa kanyang anak noong January 15.
Ang suspek na si Erwin Roda ay nakabigti sa isang puno sa bundok sa Barangay Cantagda nang makita.
Nakita rin sa lugar ang bolo na ginamit ng suspek sa krimen.
Maalalang matagal hinanap ang suspek ng otoridad dahil sa krimen na nagawa nito matapos ang mahabang inuman na dinaluhan niya noong January 15.
Batay sa police report, dahil wala na umano itong pambili ng inumin, sinubukan niya umanong kunin ang P100 na pinatago nito sa kanyang live-in partner ngunit nagkaroon sila ng pagtatalo nang hindi ibigay ng huli ang pera.
Dito na kumuha ng bolo ang suspek at sinubukang tagain ang live-in partner nito ngunit nakatakbo ang babae palabas ng bahay.
Ang batang edad halos 2 taong gulang na naiwan sa bahay ang pinagbilinan ng galit ng suspek at pinagtataga.