Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA ng Php 1,162,700.00 o katumbas ng 1,661 family food packs (FFPs) sa mga naapektuhan ng pagbaha sa rehiyon dulot ng shear line.
Ayon sa datos, nasa 3,442 na pamilyang naapektuhan ang napagkalooban ng naturang ayuda. Karamihan sa mga pamilyang naapektuhan ay mula sa mga probinsya ng Oriental Mindoro at Palawan.
Mayroon namang nakaabang na pondo ang naturang ahensiya na nagkakahalaga ng Php 5 992,403.78 at 51,606 na FFPs. Kasama na rin ang 26,553 na non-food items (NFIs) sa mga maaaring ipagkaloob.