Nakatakda nang isaayos ang isa sa pinakamatandang pantalan sa probinsya ng Romblon, ang Punta de Lubog sa Barangay Cambalo, Cajidiocan, Romblon o mas kilala ring Cagban Port.
Ang rehabilitation neto ay pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan para gawing fish port at daungan ng mga maliliit na bangka gaya ng sea ambulance na bibilhin ng LGU sa susunod na taon.
Ang Punta de Lubog din ay magdadala ng kabuhayan sa mga lokal na mamamayan dahil sa malawak na mangroves area nito na puwedeng pasyalan sa lugar.
Nitong Biyernes ay isinagawa na ang groundbreaking ceremony rito na pinangunahan ni Mayor Greggy Ramos.