Nasakote ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station ang isang lalaki sa kanilang bayan na wanted dahil sa kasong pangagahasa.
Ang suspek na kinilalang si Marcelo Rey, 38, ay naaresto sa Barangay Danao sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 106.
Ayon kay Police Capt. Richard Obsid ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek ay itinuturing na Top 8 most wanted person ng rehiyon ng Mimaropa.
Nakakulong na ngayon ang suspek. Wala piyansang nirekomenda sa kanya ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


































