Iniulat ng Cajidiocan Disaster Risk Reduction and Management Office na aabot na sa 108 na pamilya o katumbas ng 422 na indibidwal ang inilikas na sa iba’t ibang evacuation center sa buong bayan dahil sa banta ng bagyong #PaengPH.
Samantala, nag-ikot na si Mayor Greggy Ramos sa mga barangay upang sigurohin na maayos ang kalagayan ng mga evacuees sa mga designated Evacuation Center.
Siniguro din ni Mayor na maipamahagi ng maayos ang mga food packs sa bawat pamilyang naroon.
ADVERTISEMENT