Hindi na kailangang pumunta pa ng Odiongan ang mga residente ng Sibuyan Island na may transaksyon sa Land Transportation Office lalong lalo na ang mga kukuha ng driver’s license.
Ito ay dahil nakatakda nang magkaroon ng satellite office ang LTO sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Binisita na ngayong Huwebes, October 27, ni LTO Mimaropa regional director Manuel L. Betaizar kasama ang iba pang mga kawani ng ahensya ang proposed site ng LTO Satellite Office sa bayan kasama si Mayor Greggy Ramos.
Sinabi ni RD Betaizar na magdadala sila ng karagdagang employment sa paglalagay ng LTO satellite office sa isla dahil mag aaccredit sila ng Medical Clinic na kakailanganin para sa medical kapag kukuha ng lisensiya, Emission Testing Center at Driving School.
Kasabay ng pagbisita ni Betaizar sa proposed site ay nag courtesy call rin ito sa iba pang alkalde sa isla.