Inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang optional na pagsusuot ng face mask sa labas ng bahay at establisyamento.
Ito ang ibinahagi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules.
“Ni-liberalize natin ‘yung paggamit ng masks sa outdoors pero doon sa low-risk individuals and in low risks settings meaning hindi sila matanda, hindi sila immunocompromised. And low risk setting, ibig sabihin doon sa mga area na hindi matao at saka maayos po ang daloy ng hangin,” pahayag ni Vergeire.
Ayon sa IATF, sisimulan ang nasabing kautusan ay posibleng sa huling quarter ng taon, basta't mataas umano ang COVID-19 booster vaccination coverage sa isang lugar.
Ang IATF Resolution no. 1 series of 2022 ay nilagdaan noong ika-5 ng Setyembre, 2022.




































