Papayagan nang maglayag ngayong Lunes, September 26, ang mga pampasaherong barko na paalis ng probinsya at patungong Caticlan, Batangas, Lucena at Masbate, kasunod ng patuloy na paglayo ng bagyong Karding sa landmass ng Luzon.
ADVERTISEMENT
Inaasahang magbabalik na rin ang normal na operasyon ng mga biyahe sa mga nabanggit ring pantalan.
Sa Odiongan Port, ang barko ng 2Go Travel ang unang aalis ngayong 10:30 ng umaga patungong Batangas sakay ang nasa 247 na pasahero na na-stranded sa Odiongan dahil sa bagyo.