Kinansela na ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng lahat ng sasakyang pandagat na patungo at paalis ng Batangas Port alas-5 kaninang hapon, September 24, kasabay ng pagtaas ng tropical cyclone wind signal #1 sa Batangas dahil kay #KardingPH.
Ayon sa pamunuan ng 2Go Travel at Montenegro Shipping Lines, hindi na bumiyahe ang kanilang barko na patungong Batangas Port galing Odiongan at Romblon Port.
Nag anunsyo na rin ng kanselasyon ng biyahe ang Starlite Ferries na may biyahe rin patungong Batangas Port galing Caticlan at Odiongan, Romblon.
Kanselado na rin ang mga biyahe ng barko galing Batangas Port patungong Occidental at Oriental Mindoro.


































