Naaresto ng mga kapulisan sa Barangay Villareal, Bayawan City, Negros Oriental ang isang lalaking wanted sa bayan ng Cajidiocan dahil sa 2-counts ng kasong rape na may kinalaman sa RA 7610.
Ang wanted na kinilalang si Rey Tugo, 33, ay naaresto ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Romblon PPO at Tangalan Municipal Police Station.
Ang suspek ay inaasahang ibabiyahe pabalik ng Cajidiocan para iharap sa Regional Trial Court Branch 106.
Maaring makalaya ang suspek kung magbabayad ng piyansang P200,000 sa bawat kasong nakasampa sa kanya.