Isang barko ng Starlite Ferries, Inc. ang nasunog habang ito ay papadaong sa Batangas Port nitong hapon ng Biyernes, August 26.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard, ang M/V Asia Philippines ay may sakay na 34 crew members at 48 na pasahero nang ito ay masunog.
May karga rin itong 16 na rolling cargoes.
Batay sa ulat, umalis ng alas-3 ng hapon ng Calapan Port sa Oriental Mindoro ang barko at dumating sa vicinity ng Batangas Port bandang 5:30 ng hapon.
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard dahil as of 7:30pm ay may ilan paring hindi nabibilang.
Samantala, sa isang panayam ng Romblon News Network sa isa sa mga opisyal ng Starlite Ferries, Inc., sinabi nila na hindi apektado ang biyahe ng kanilang barko na bumabiyahe patungong Romblon.