Hindi na umabot ng ospital ang isang 29 na anyos na lalaki sa Cajidiocan, Romblon matapos itong tagain ng kainuman sa isang birthday party sa Barangay Lumbang Weste.
Kinilala ang biktimang si Elbert Ruba, habang ang suspek naman ay si Marino Racho, 35, ama ng birthday celebrant.
Kwento ng live-in partner ng biktima, nagpaalam raw si Elbert na dadalo sa birthday party ngunit nang sunduin ng tanghali ng July 30 ay hindi ito sumama dahil nag-iinuman pa.
Bandang 3:20 ng hapon, nakatanggap ito ng balita na ang kanya umanong asawa ay duguan at nakahandusay sa tabi ng isang creek.
Pagdating niya sa lugar, nakita niya ang kanyang asawa na duguan kaya humingi ito ng tulong sa kanyang mga kapatid para dalhin sa Sibuyan District Hospital ngunit hindi na ito umabot dahil galing pa sila ng bundok.
Sa imbestigasyon ng Cajidiocan PNP, sinapak umano ng biktima ang ama ng suspek maging ang isa pa nilang bisita dahil sa sobra umanong kalasingan ng una.
Hindi umano nakapigil si Racho kaya binugbog nito ang biktima at nataga.
Sumuko naman at nakakulong na ngayon si Racho sa Cajidiocan Municipal Police Station.